Sunday, May 18, 2008

Love Letter

Para sa Minamahal,
Di ko alam kong kailan ka darating sa buhay ko pero mag-aantay parin ako. Di ko rin alam kong ano ang magiging hitsura mo pero alam kong makikilala ka nang puso ko. Wag mo sanang alalahanin ang kalagayan ko kasi hanggat di kita makakasama pipilitin kong lampasan lahat ng pagsubok sa buhay ko. Kung sakali mang di man tayo magkita, iisipin mo lage na nasasayo parin ang puso ko. Kahit baguhin man ng panahon ang daloy ng buhay ko, sayo parin liligaya ng tunay tong puso ko. Sana abutin ka ng sulat. Sana ingatan ka ng May Kapal. Hanggat sa oras na tayo'y magkasama, aantayin kita, mahal ko.

Laging sayo,
Ang Nagmamahal...

No comments: